}

BACK TO SYLLABUS

Showing posts with label raffy tulfo. Show all posts
Showing posts with label raffy tulfo. Show all posts

Thursday, May 25, 2023

ASK HELP FROM RAFFY TULFO IN ACTION












Ako po si Antonio Buensuceso, taga Bauan, Batangas dating plant operator sa Shell Refinery, Tabangao Batangas City. Schedule po ako sa June 1, 2023 interview at may slot number 41.
Ang reklamo ko po Una, ay ang pag dugas ng Shell sa aking retirement pay 

Mangyari po noong February 15, 2003 sa edad ko pong 48 na taon gulang,  ako po ay tinanggal sa trabaho at bilang separation pay ginalaw po ng Shell ang aking retirement funds at ito po ang kanilang ipinangbayad sa akin bilang separation pay. Sinabi po nilang ito ay separation pay.

Noong pong September 2015, taon po ng aking retirement nag file po ako ng claim sa Shell para sa aking retirement pay.  Ngunit tinanggihan po nila ang aking claim sa dahilan raw po na naibigay na raw yun sa akin noong February 15, 2003. 

Maliwanag po na ang ibinigay sa akin noong February 15, 2003 ay separation pay at ang retirement pay ay nanatiling nasa kanilang pag iingat. Bakit po noong nag retiro na ako at kukunin ang retirement ko ay sasabihin nilang naibigay na raw po yun sa akin. Sang ayon po sa Shell at ng kanyang abogado na yung halagang ibinigay sa akin noong February 15, 2003 ay separation pay at hindi retirement dahil wala pa naman ako sa retirement age noong panahon yun. Kaya po nawala po ang aking retirement pay na dinugas ng Shell.

Ang Pangalawa ay ang pagkakait sa akin na pirmahan o ipagkaloob sa akin ang Certificate of Separation from last Employer na requirement para sa pag file ng retirement benefit sa SSS na hanggang ngayon ay pending pa rin sa SSS.

Yan po ang ihihingi ko ng tulong mula po sa inyo. Nais ko pong ihingi ng tulong itosa RaffyTulfo in Action para makolekta ang aking retirement pay at ang pagkakaloob sa akin ng Certificate of Separation from last Employer.

;